Showing posts with label Litratong Pinoy. Show all posts
Showing posts with label Litratong Pinoy. Show all posts

Wednesday, May 27, 2009

Alam Mo Ba (Do You Know?)

Alam mo ba?
Nakakatuwa at nakakasabik pa rin ang mga
kasabihan na nasa loob ng mga "fortune cookies".

Dagdag saya pagtapos kumain sa mga Chinise Restaurant, di ba?

Ang isa ko pang lahok ay nandito.

Litratong Pinoy Theme : Alam Mo Ba?

Wednesday, May 20, 2009

Lahat ay Payak

Kasama ang isang libro sa parke na ito
ang hapon ko kahit payak ay masaya na.


Litratong Pinoy Theme :
Lahat ay Payak

Ang isa ko pang lahok ay nandito.

Wednesday, May 13, 2009

Nang Matapos

Nang matapos ang isang hapon na pag gawa ng mga cards. Pagod at ibang uri ng saya ang nararamdaman.

Wednesday, May 6, 2009

Simula Pa Lamang

Simula pa lamang ng isang aktibong araw ng pag scrapbooking, card making at kung ano-ano pa. Isa kasi sila sa aking mga libangan kaya pag may araw na walang pasok, binibigyan ko ng oras ang aking hilig.

The start of an active day of scrapbooking, card-making and whatever. They are one of my hobbies and if I am off from work, I give time to pursue this pastime.



Magulo na maayos, kung sa English ay "organized chaos".

Wednesday, April 29, 2009

Tulay (Bridge)

Ang Pittsburgh ay kilala bilang "Siyudad ng mga Tulay" - at totoo naman. Sa isang hapon na inikot namin ang buong siyudad, hindi ko mabilang ang mga tulay na tinawid at hindi namin tinawid. Ang Pittsburgh ang ikalawang pina kamalaking siyudad ng Pennsylvania, at mga 8 oras na pagmaneho galing sa Toronto.

Ang haba ng pagmaneho ay hindi hadlang para bisitahin ang isang naming matalik na kaibigan na nanirahan sa kapit siyudad ng Pittsburgh - ang Duquesne. Pumunta kami doon noong 2003, at bumalik noong 2008.

Alin sa dalawang larawan ang galing
sa aking refrigerator magnet?




Pittsburgh is known as "The City of Bridges" and I could not agree more. In just one afternoon of going around the city, I lost count of the number of bridges we crossed and did not cross. It is the second largest city in the state of Pennsylvania, and about 8 hours drive from Toronto.

The long drive did not deter us from visiting a close family friend who lived in one of Pittsburgh's neighboring cities - Duquesne. We visited in 2003 and again in 2008.

Guess which one is the fridge magnet ?

Litratong Pinoy Theme : Tulay (Bridge)

Wednesday, April 22, 2009

Gusali (Building)

Pagmasdan ang mga litrato sa ibaba
at tingan kung may makitang kakaiba sa mga gusali.

Look at the photos below and see if you find
something different about the buildings.

Taj Mahal


Jefferson Memorial



Lahat sila ay ginawa sa libo-libong Lego bricks
at
kuha sa Legoland.

All of them are constructed from thousands of Lego bricks
and taken at Legoland.


Litratong Pinoy Theme : Building (Gusali)



Wednesday, April 15, 2009

Hardin (Garden)





Kuha ito sa Cullen Gardens and Miniature Village, isang popular na atraksyon sa Whitby, Ontario. May 36 acres ang hardin na ito at may mga 160 malilit na gusali, bahay at sasakyan na umi-ikot sa mga kabahayan. Matapos ang 25 na taon, ang hardin ay sinara noong 2006.

This was taken from Cullen Gardens and Miniature Village, a popular attraction in Whitby, Ontario. This 36 acre garden has more than 160 miniature buildings, houses, and trains moving along the villages. After 25 years in operation, the garden closed in 2006.

Litratong Pinoy Theme : Hardin (Garden)

Eto pa ang isa kong lahok.

p.s. Litratong Pinoy requires Filipino translation for all submissions.

Monday, March 30, 2009

Paboritong Litrato (Favorite Picture)

Isa ito sa paborito kong litrato
Ang sarap kasi maging bata
Laro, kaibigan, kasiyahan
'Yan ang buhay

Litratong Pinoy Theme: Paboritong Litrato (Favorite Picture)

Monday, March 23, 2009

Sapatos (Shoes)

Sapatos Hindi Muna Kailangan
(No Shoes Required, For Now)


Sa loob ng dalawang linggo, tatlo sa aking ka opisina ay nasangkot sa iba't-ibang insidente may kinalaman sa paa. Ang isa ay nadapa sa subway train, ang isa ay na nadulas sa hagdanan, at ang pangatlo ay nag aaral ng pag motorsiklo. Dahil silang tatlo ay naka-upo malapit sa akin, kinunan ko sila ng litrato para matapos ang malas.

In a span of 2 weeks, 3 of my officemates were involved in minor incidents involving the foot. One tripped on the subway train, one slipped on the stairs, while the third was learning how to motorcycle. Since all three of them sat near my station, I took this picture to end the jinx.

Litratong Pinoy Theme: Sapatos (Shoes)

Monday, March 16, 2009

Jewelry

Isang pares ng hikaw na kahit minsan ay hindi ko pa nagagamit,
ngunit nagpapaala-ala sa akin ng aking mga babaeng kaibigan sa isang assosasyon.

A pair of earrings that I have not used,
but reminds me of my "sisters" in an association.

Litratong Pinoy Theme for the Week : Paboritong Alahas (Favorite Jewelry)